Friday, December 4, 2009

Buhay Solo



Ang mga taong solo sa buhay ay madalas nahihirapang magpaliwanag ng kanilang sitwasyon sa hindi lang iisang tao. Palagi nilang ipinagtanggol ang katayuang sila ay wala pa ring asawa at dapat linawin ang mga dahilan nito. Mayroon kasing isang halimbawang inaasahang gayahin ng lahat: tapusin mo ang iyong pag-aaral, lumagay sa estado ng pag-aasawa, at magkaroon ng mga anak. Ito ang karaniwang nangyayari sa lipunan at inaasahang gayahin ng lahat. Kung sasalungat ka sa mga ito, kailangan mong ipaliwanag lagi ang iyong dahilan.

Ang sistemang ito sa lipunan ay hindi angkop para sa lahat ng mga tao. Kung papano mamuhay ang isang indibidwal ay dapat nating igalang. Gayunpaman, ang taong buhay solo ay lagi na lamang nagtatanggol kung bakit niya ito pinili. Ang pamimilit ng lipunan ay dumadating sa iba't-ibang pamamaraan. Ang ilan ay masyadong lantaran, tulad ng mga kaibigan, ka-pamilya at kahit pa yaong mga taong di mo kilala, na magtatanong: Bakit solo ka pa sa buhay? Ano pa ang hinihintay mo? Alam mo bang paglampas mo na sa tamang edad ay maaaring hindi ka na magkaroon ng mga anak? At marami pang ibang mga katanungan.

Ang iba pang uri ng pangungutya ay di lantad, tulad ng titig na may kasamang awa sa iyo kapag masabi mo na ang iyong marital status. Ang patuloy na pagtatanggol ng iyong sarili at ang mga titig ng awa sa kalaunan ay magbubunga ng paniniwalang ikaw nga ay mali sa iyong desisyon.

Para sa lahat ng mga taong buhay solo, hindi mo na kailangang guluhin pa ang iyong sarili sa ganitong mga panggagambala! Sa tingin ko maaari mong ibalik sa kanila ang kanilang mga sinasabi. Tanungin mo kung bakit sila nag-asawa ng maaga, at bakit pinili nilang magkaroon ng mga anak ng maaga. At huwag kalimutan na bigyan sila ng isang titig na nakakalungkot habang sila ang nangangapa ng mga kasagutan sa iyong mga katanungan. Ipaalam sa kanila na masyado silang nagmabilis sa kanilang mga desisyon at sabihin na may tamang panahon kung kailan lalagay sa buhay na may nagpapabigat.

Naniniwala ako na may sabwatan lang ang mga iyan. Sa tingin ko, kung ating alamin kung ano talaga ang nasa loob nila, mas ninanais nila ang mag-isa, at gusto lang nila na hatakin ka pababa sa parehong antas ng paghihirap. Huwag mong hayaang mahulog sa kanilang mga bitag.

Thursday, December 3, 2009

Papaano Maging Karapat-dapat sa Paraiso



Sa kasalukuyan mundo na puno ng mga pagsubok, kahit sino pa man, upang maging karapat-dapat para sa Paraiso, ay kailangang magkaroon ng dalawang kwalipikasyon: isa rito ay ang kilalanin ang katotohanan at ang isa pa ay ang dumanas ng isang pamumuhay na may prinsipyo. Ang mga taong maging karapat-dapat sa pagsusulit na ito ay bibigyan ng isang lugar sa Paraiso - kung saan ang lahat ng kanilang mga hinahangad ay matutupad. Para naman sa mga taong hindi magtagumpay sa pagsubok na ito, gugulin nila ang isang estado ng buhay na pinagkakaitan ng walang hanggan.

Sa kasalukuyang mundo, matutunghayan ng bawat tao ang kanyang sarili na malayang-malaya. Gayunman, ang kalayaang ito ay hindi pag-aari niya bilang isang karapatan, ngunit sa halip ay isang pagsubok. Walang ibang dapat gawin ang tao liban sa kilalanin ang katotohanan sa nag-iisang Diyos, at sumuko sa Kanya - hindi sa pamamagitan ng pamimilit ngunit sa kanyang sariling kagustuhan. Itong pagsuko sa katotohanan sa nag-iisang Tagapaglikha ay walang duda ang pinakamalaking sakripisyo na magawa ng sinumang tao. Ang pagtanggap ng katotohanan sa nag-iisang Tagapaglikha ay ang pagpalagay sa sarili na mas maliit sa harap Niya, at ang pagpapakumbaba maging sa kapwa. Ngunit ito ay ang tunay na kalinisang-puri, na maghirang ng tao sa pinakamataas na posisyon. Tunay na ito ang magdadala sa kanya sa mga pintuan ng Paraiso.

Ang pangalawang mahalagang bagay ay ang pangangailangan ng pagdanas ng isang ma-prinsipyong uri ng pamumuhay. Kadalasan ang karakter ng isang tao ay hinuhubog sa pamamagitan ng kanyang mga emosyon - galit, paghihiganti, inggit, tunggalian, atbp. Ang mga ito ay ang negatibong damdamin na humuhugis sa pagkatao ng isang tao. Ngunit sa pamamagitan ng mga ito, ang tao ay dapat maging disiplinado. Hindi niya dapat gawin ang kanyang pagkatao sa ilalim ng impluwensiya ng panlabas na mga insentibo, ngunit sa pamamagitan ng kanyang sariling desisyon, dapat magtatag ang mga ito batay sa mas mataas na prinsipyo. Ito ay ang tinatawag na Banal na karakter.

Wednesday, December 2, 2009

Ano Ang Paraiso



Paraiso ang pangalan ng isang huwarang mundo at ang pagnanais para dito ay nasa puso ng bawat isa. Dito lamang sa Paraiso makamit ang katuparan ng pagiging isang tunay na tao. Buong buhay siyang nagnanais makamtan ang tunay na Paraiso, at ito naman ay naghihintay lamang sa kanya.

Ang Paraiso ay ang mundo, kung saan maabot ng isang tao ang kanyang kumpletong katuparan. Ito ang kanyang tahanan kung saan siya ay makapag-isip sa paraang gusto niya.
Ito ang daigdig kung saan makikita ang lahat niyang hinahangad na makita. Dito niya marinig ang mga tunog na magbigay-lugod sa kanyang mga pandinig sa tunay na kahulugan. Dito niya mahahawakan ang mga bagay-bagay na nagbibigay sa kanya ng pinakamataas na antas ng kasiyahan. Dito niya makakasama ang mga taong gawin ang kanyang buhay na lubhang mahalaga. Dito niya malanghap ang tunay na sariwa’t nakapagpapasiglang simoy ng hangin. At dito sa Paraiso, siya ay makakakain ng mga pagkaing labis niyang minimithi at mga inuming tanging nasa guniguni lamang ng kanyang kaisipan sa ngayon.

Tuesday, December 1, 2009

Bakit May Kabilang Buhay



Maraming tao ang naniniwala na may dahilan para sa ating pananatiling buhay at kadalasan ito ay batay sa relihiyon. Maaaring isang napaka malalim na paniniwala na ang tanging dahilan kung bakit tayo ay nandidito sa mundo ay dahil kinakailangan nating magsilbi para sa isang layuning bahagi sa isang dakilang plano. Ang ating pag-iral ay isa lamang maikling hakbang, isang 'pagsubok' bago tayo pumunta sa mas totoong buhay. Ito ay isang napaka-matibay na paniniwalang mahirap baliwalain, kahit sa mga taong hindi naniniwala nito.

Sa buong kasaysayan nagkaroon na ng maraming bilang ng mga tao na may ginawang sakripisyo para sa kapakanan ng iba, kahit ang sariling buhay ay ibinigay para sa kanilang mga ipinaglalaban. Marahil sila ay namatay na may kasiyahan sa pagkakaalam na sila ay mayroong nagawang isang makabuluhang kontribusyon sa pag-unlad ng sangkatauhan. Maaaring tama sila, ngunit ano ang kanilang nakamit? Ang isang mas mabuting buhay para sa mga naiiwan na kung saan ang lahat ay nagpapasalamat?

Ngunit may ilang mga tao na hindi kumbinsido na mayroong "kabilang buhay." Gayunpaman, ang hinaharap ay hindi maaaring baliwalain dahil lamang sa iilang hindi kumbinsido nito. Kung ang Tagapaglikha ay kayang gumawa ng kahit ano, at wala ng susunod pa maliban sa mundo ito, tiyak ang Kanyang ginawa ay hindi kanaisnais para sa atin. Madalas nating makita ang mga tanda ng mga kamay ng Tagapaglikha bilang tagapagpanatili sa ating mundo, ngunit nakikita din natin ang kawalan ng katarungan. Dahil ang Maylikha ay makatarungan, dapat lamang na pagkatapos sa mundong ito mayroon pang isang naghihintay na magbibigay ng kabayaran sa mga taong nagtitiis, at katarungan sa mga gumawa ng kamalian.

Upang magkakaroon ng iba’t-ibang mga karanasan, ang mga disenyo ng bawat kapaligiran ay ginawa ng Maylikha ayon sa kinakailangan. Ang mga lugar ng gantimpala at kaparusahan ay dapat na ganap na naiiba. Kaya nilikha Niya ang dalawang mundo: ang daigdig na ating ginagalawan ngayon at ang susunod pagkatapos nito. Ang ngayon ay kaharian ng natural na mga batas, at nandirito ang lahat ng karapat-dapat para sa ating mga espirituwal na pakikibaka. Ang susunod ay kaharian ng espirituwal na mga batas; at nandodoon ang lahat ng karapat-dapat para sa kasiyahan ng mga gantimpala.

Ang susunod na mundo ay isang mahalagang bahagi ng tunay na pagsamba. Ang sinaunang mga propeta, mga iskolar, at mga pantas ay laging tumutukoy sa kabilang buhay. Ang mga aklat at mga kasulatan ay gumawa ng maraming mga pagbabanggit nito. Walang pag-aalinlanganan na sa buong kasaysayan, ito ay isang batayan ng lahat ng porma ng pananampalataya, na mayroong susunod na mundo, mayroong kabilang buhay.

Hindi lamang para sa katarungan, ngunit para sa ating tunay na gantimpala. Ang tunay na kahanga-hangang karanasan sa pagiging isa sa mga tatanggap ng gantimpala sa paggawa ng mabuting gawain dito sa mundo, ay maaari lamang na maranasan sa isang lupain na sadyang ginawa para sa gantimpala at pagkamalapit sa Walang-hanggan. Ang mundong ito ay ganap na naka-disenyo para sa mga hamon; ang susunod na mundo ay ganap na naka-disenyo para sa kasiyahan at tuwa kasama ang Maylikha. Iyon ang dahilan kung bakit may mga pangangailangan na magkaroon ng dalawang kaharian. Iyon ang dahilan kung bakit ganito ang ating mundo. Ang bawat aspeto ay isang pagsubok at paghamon.

Ang susunod na mundo ay dinisenyo para sa kanyang sariling layunin, kung saan matutunghayan ang puro at lubos na kaligayahan. Kapag inilagay sa kanilang tamang pananaw, ang lahat ng mga problema sa buhay ay maging maliwanag. Hindi maging madali, hindi maging kaaya-aya, ngunit maging maliwanag. At kapag naiintindihan ng isang tao ang paghihirap, ang kanyang mga pasanin ay mapagaan ng lubosan. Kaya maaari pa rin tayong magkaroon ng kapanatagan ng kaluluwa at kapayapaan ng isip. Gayon pa man ang tunay na mundo ay ang mundo na darating pa. Ito ang tinatawag na Paraiso.

Wednesday, November 4, 2009

Ang Tao



Sa inihayag na mga kasulatan makakahanap tayo ng maraming mga obserbasyon na nagbigay ng liwanag sa kaisipan ng tao at sa kanyang magkasalungat na kalooban. Sa walang pag-aalinlangan wala ng mas kahanga-hanga pa, mas maselan at sensitibo sa lahat ng nilikha liban sa tao. Kasabay nito, siya ang may pinakamalaking magkahalong salungatan. Siya ay mahina, ngunit humahanga sa lakas. Siya ay mahirap ngunit baliw na baliw sa kayamanan.Siya ay may kamatayan ngunit naghahahangad ng buhay kawalang-hanggan. Siya ay isang tagapagmana ng isang daang karamdaman at mga sakit ngunit naghahanap ng kalusugan at kaligayahan. Siya ay may mahinang damdamin ngunit maraming ambisyon. Ang kanyang mga pangangailangan at ang kanyang hinahangad ay walang hanggan. Siya ay mas masilan pa kaysa sa bula ngunit hindi mapakali. Ang kanyang mga damdamin at emosyon ay nagbabago sa bawat sandali. Ang kanyang pagkauhaw ay di matatapos.Siya ay hindi nagpapahinga makamtan lamang ang mataas na karangalan ngunit hindi rin nasisiyahan. Kung ano ang meron siya para sa kanya ay wala itong alindog habang kung ano ang wala siya ay palagi niya itong hinahanap upang kanyang makamtan. Itong limitadong mundo, ang panandalian buhay, ay hindi sapat para sa pagtupad ng kanyang hinahangad at mga pangarap. Ngunit sa mga magkasalungat na ito, sa kataasan ng kanyang ambisyon at ang bagabag ng kanyang kaluluwa, doon nakatago ang mga lihim ng kaluwalhatian ng tao at sa kanyang mataas na pwesto bilang Vicegerent (Katiwala) ng Diyos sa lupa. Ito ay kahanga-hanga, ang kakaibang uri ng kanyang likas na katangian na kung saan sapilitan sa kanya upang tanggapin ang mapanganib na responsibilidad bilang katiwala, matapos ang mga langit, ang lupa at ang mga bundok ay tumangging pasanin ang mga ito.

“Katotohanang Aming inihandog ang Amanah sa kalangitan at kalupaan at sa kabundukan, datapuwat tumanggi sila na dalhin ito at sila ay nangangamba rito, at ang tao ay nagpasan nito. Katotohanang siya ay hindi makatarungan at walang muwang.” (Qur’an 33:72)

Tuesday, November 3, 2009

Ang Dalawang Yugto ng Buhay



Ang buhay ng tao ay isang natatanging palatandaan na wala ng iba pang halimbawang matatagpuan sa buong kalawakan ng sansinukob. Ang tao ay makatwirang tinawag na “pinakamahusay sa lahat ng mga nilikha”, na nangangahulugang ang pinakamahusay at pinaka-mabuluhang “nilikha” sa lahat ng mga bagay na nalikha. Ang ganyang “makabuluhang nilikha” ay hindi maaaring nilikha nang walang dahilan. Ang Maylikha ng tao ay lumikha sa kanya ayon sa isang espesyal na plano. Ang Kanyang layunin na ang tao ay dapat gugugol ng panahon ng pagsubok dito sa kasalukuyan, hindi lubos na mundo at kasunod nito, ayon sa kanyang mga gawa, siya ay magkaroon ng karapatang manahan sa isang sakdal at walang hangganang mundo, ang tinatawag na Paraiso.

Ang Maylikha ay lumikha ng mundong ito, bilang isa sa kalahati ng isang pares - ang unang kalahati ay ang kasalukuyang mundo, kung saan tayo ay namumuhay pagkatapos tayo ipinanganak, at ang isa pang kalahati ay ang walang hangganang mundo kung saan titira tayo pagkatapos ng kamatayan. Ginawa ng Maylikha ang tao bilang isang walang hangganang nilikha at hinati ang kanyang buhay sa dalawang yugto - ang panahon bago dumating ang kamatayan o ang buhay sa mundo at ang panahon pagkalipas ng kamatayan o ang buhay pagkabuhay muli. Ang limitadong panahon bago ang kamatayan ay sinadya upang maging isang pagsubok para sa tao, habang ang panahon ng pagkabuhay muli ay ang panahon para sa kanyang mga gantimpala o parusa, batay sa kanyang pagganap sa mga pagsubok sa buhay na ito. Ito ang pamamaraan ng buhay sa mundo batay sa pagbalangkas ng kanyang Manlilikha. Ang tunay na layunin sa paglikha ay para piliin ang mga angkop na tumira sa mundo ng Paraiso.

Monday, November 2, 2009

Ang Pagkakalikhang Plano ng Diyos



Sabi ng isang dalubhasa sa pilosopiya mula sa kanluran, na lumilitaw na ang tao ay isang estranghero sa malawak na sanlibutan. Tila ang tao ay hindi ginawa para sa mundo, ni ang mundo na ito ay ginawa para sa tao. Parehong tila hindi magkabagay.

Ang tao ay ipinanganak na may potensyal na walang hanggan, ngunit sa kasalukuyan mundo makahanap lamang siya ng napaka-limitadong gamit para sa mga ito. Ayon sa kanyang likas na katangian, ang tao ay nagnanais na mabuhay magpasawalang-hanggan, ngunit di magtagal, at di man niya gusto, ang kamatayan ay darating upang taposin ang kanyang buhay. Siya ay kumupkop ng katakut-takot na dami ng mga hangarin sa kanyang puso, ngunit ang mga ito ay hindi kailan man natupad. Siya ay nagtalaga ng isang buhay ng mga pangarap sa kanyang kaisipan, ngunit ang mga pangarap na ito ay hindi kailanman maisasakatuparan. Sa ganitong kalagayan, ay walang pagkakaiba sa pagitan ng isang mahirap na tao at ng isang mayaman. Bakit hindi magkabagay ang tao at ang kasalukuyan mundo? Maaari nating makita ang mga sagot kung ating maunawaan ang Paglikhang Plano ng Diyos.

Ang katotohanan ay ang Diyos - ang Maylikha ng tao, ay lumikha ang tao ayon sa Kanyang plano. Para maging malapit sa planong ito ay kinakailangan para sa isang tao na magkaroon ng isang masusing pag-unawa ng kanyang sarili - tulad ng paggawa ng isang makina ay maaari lamang mauunawaan kung pag-aralan natin ang mga disenyo ng makinista na gumawa nito. Bukod sa isip ng makinista, walang iba pang mga bagay na maaaring magpaliwanag kung para sa ano ang makina ay sinadya. Ang kalagayan ng tao ay magkatulad.

Sunday, November 1, 2009

Ang Tao, Ang Tanong



Sa ating buhay, mayroong isang katanungang nananatili sa likod ng bawat katanungan. Ito ay sagot sa isang malalim at matinding katanungang hindi nasasagot sa ibang paraan, "Ano ang kahulugan ng aking buhay?" Para sa isang taong nagtatanong nito, na hindi makakahanap ang sagot mula sa mga tradisyon, siyensiya, sikolohiya, sining at panitikan; sa isang taong hindi nasisiyahan sa kahit ano pa man maliban sa pagkakaroon ng mga kasagotan sa mga tanong na ito, siya ay handang damhin ang antas na lampas na sa limang pandamang bahagi ng tao.

Ano ang layunin ng paglikha? Bakit ako umiiral at bakit ako nandirito. Ang mga ito ay iilan lamang sa mga palaisipan ng bawat tao mula sa simula. Ang buong sansinukob na umiiral ay nagpahiwatig na mayroong isang taga-paglikha. Ang mga disenyo ay nagpapahiwatig ng isang tagagawa. Samakatuwid, kailangan nating malaman ang mga layunin ng pag-iral upang magkaroon ng kahulugan ang buhay at upang gawin kung ano ang kapaki-pakinabang. Gayunman, sa buong kapanahonan, nagkaroon ng mga taong itinanggi ang pag-iral ng Diyos. Gayon pa man, karamihan ng sangkatauhan ay naniwala at patuloy na naniniwala sa pagkakaroon ng isang Makapangyarihang lumikha sa mundong ito na may layunin. Para sa kanila, ang pinaka-mahalaga pa rin ay ang malaman ang tungkol sa Maykapal at ang mga layunin kung bakit Niya nilikha ang tao.

Bilang bunga ng paghahanap ng mga kasagutan, ang iba't-ibang mga dalubhasa sa pilosopiya na nagmumuni-muni tungkol sa tanong na ito ay nagkakaroon ng hindi mabilang na mga sagot, kung saan ang lahat ay batay sa mga pagpapalagay lamang, na hindi maaaring mapatunayan. Marami ring mga taong nagsasabi at patuloy sa paniniwala na walang layunin ang pagkalikha ng mga tao. Ayon sa kanila, ang pag-iral ng tao ay isang produkto lamang ng pagkakataon. Dahil sa walang kaalaman sa mga layunin ng buhay, ang pag-iral ng tao ay nawawalan ng kahulugan at nasasayang lamang, at ang gantimpala ng isang buhay na walang hanggang kaligayahan sa hinaharap ay lubos na nawawasak. Samakatuwid, isang bagay na napaka-halaga para sa tao ang makahanap ng tamang kasagotan sa isang tanong: "Bakit nandito tayo?"

Tuesday, October 20, 2009

TFM Radio Kuwait, online na!!!!!


At last, ang matagal nating hinihintay ay nandito na, yes, mga bro and sis, nagsimula nang mag-test broadcast ang TFM-radio dito sa Kuwait. Hindi ko na habaan pa ang balita, kayo na ang bahalang maki-chikka, visit na sa http://www.tfm-radio.com
at simulan na ang mag-emote (mag-reminisce) sa inyong mga nakaraan. Sabi nga, music is the soundtract of our lives, kaya go mga kabayan, ikalat nyo sa buong mundo. Mabuhay ang tfm-radio.

Saturday, October 3, 2009

Mga Antas ng Hangarin


Nadiskubre ng mga may-alam na mayroong limang uri ng mga hangarin na nasa ating loob, na naisaayos sa pagkakasunod ng katindihan at kompleksidad, ayon sa mga antas ng kanilang pagsisibol.

Ang una at pinakabatayan, ay ang hangarin ng pagkain, kalusugan, seks, at pamilya. Ito ay kinakailangan para sa ating pamamalagi. Ang pangangailangan ng pagkain at seks ay inihayag na mga hangaring pangkatawan, at ito ay hangarin din ng mga hayop. Kahit ang tao ay nabuhay na mag-isa sa isang napakalayong isla, siya ay nangangailangan pa rin ng pagkain, kalusugan, at pagbigyang kasiyahan ang kanyang pangangailangang sekswal.

Ang pangalawa ay ang hangarin para sa kayamanan. Tayo ay nag-isip na ang pera ay makagarantiya upang tayo ay mananatiling nasa mabuting klase ng buhay. Ang pangatlo ay ang kagustuhan ng karangalan at lakas. Gusto nating kontrolin ang iba pati na rin ang ating mga sarili. Sa pang-apat na antas, ang hangarin ng karunungan. Iniisip natin na ang magkaroon ng karunungan ay makapagbigay sa atin ng kaligayahan. Ang kayamanan, karangalan, at lakas, ay tinatawag na mga hangaring makatao. Ang mga ito ay tumubo sa atin na kabahagi sa ating pakikihalubilo sa lipunang makatao, at binigyan natin ito ng kasiyahan sa pamamagitan ng ating pakikiugnayan sa ibang mga tao.

Ang panlimang antas, ay ang hangaring pang-ispirituwal. Dito naintindihan natin na mayroong mga bagay na mas mataas pa sa ating pananaw na siyang namahala sa ating mga buhay. Naunawaan din natin na sa mga bagay na ito tayo ay dapat makiugnay. Nang ang panlimang hangarin ay nagising, wala tayong alam kung paano ito pagbigyan ng katuparan. Ang hangaring ito ay tinawag na “tuldok sa puso,” kung saan ang layunin ay ang mas mataas pa sa kasalukuyang mundo na ating ginagalawan. Dito sa panghuling antas matutunghayan ng bawat isa ang nakawi-wiling estado ng pag-iral. Sapagkat habang umuusad ang antas ng ating pang-unawa, matutunghayan natin ang walang kataposang hangarin na marating ang susunod pang mas mataas pang antas ng pag-iral. Habang tayo ay nasa ganitong estado ng pamumuhay, ating mararanasan ang isang uri ng pamumuhay na puno ng walang katumbas na kaligayahan. Isang uri ng pag-iral na tanging ang nakakalam lamang nito ay yaong mga taong nakarating na sa antas na ito. May mga taong nakarating na sa panlimang antas. (uaya101@gmail.com)

Friday, October 2, 2009

Ang Kasiyahan


Lahat tayo ay gustong sumaya o tumanggap ng kasiyahan. Para sa isang tao, ang kasiyahan ay ang mga masasarap na pagkain, para sa iba, ang manalo sa larong chess, o ang pagkapanalo ng kanyang paboritong sport team. Nangarap ka minsan na sana ay manalo ng milyon-milyon sa lotto, samantalang ang iyong kaibigan ay masaya na kapag mabawasan man lamang ng konti ang kanyang timbang. Iba’t-ibang katayuan ng buhay, iba’t-ibang uri ng kaligayahan.

Mayroon lamang isang problema sa paksang “kasiyahan.“ Kung talagang usisahin natin ang ating mga buhay, ating madiskubre na walang ibang maiwan sa lahat ng mga bagay na ating ginawa at nakamtan maliban sa alaala. Tayo ay naghahabol ng mga kasiyahang dumadaan sa ating landas, subalit sa sandaling matamo na natin, ang mga ito ay naglalaho na parang bula.

Nang tayo ay nasa kindergarten, gusto nating palaging nananatili doon. Tayo ay nag-isip na ito ay masayang lugar, saan ang mga bata ay "nagkaroon ng kanilang malaking kaligayahan" at matuto ng bago at nakakagalak na mga bagay. Pero nang tayo ay nasa eskwela na, hindi tayo makapaghintay na makaabot na sa mataas na paaralan. Sa mataas na paaralan, ang pangarap ay ang kolehiyo, at sa kolehiyo, ay ang matagumpay na propesyon. Ang susunod na katayuan ay palaging mas mabuti sa ating tingin at mas lalong nakakaakit. Subalit ito ba ay talagang ganoon?

At mayroon pang ibang paksa: Nang makuha na natin ay ating gustong kunin, ang kasiyahang nadarama ay panandalian lamang. Gaya ng isang taong gala sa desyerto at uhaw na uhaw at naghahangad ng isang basong tubig. Nang makahanap na ng tubig, tayo ay galak na galak sa unang pagsipsip, subalit sa patuloy nating pag-inom, nababawasan ang ating kagalakan. Sa bandang huli, nalilimutan pati natin na tayo ay uhaw na uhaw. Sa madaling salita, sinasayang natin ang buong buhay sa paghahabol ng multo ng kasiyahan. At kahit na mahagilap natin ang multong iyon, nangangailangan lamang ng mahigit isang minuto para ito ay maglahong muli. (uaya101@gmail.com)

Thursday, October 1, 2009

Editoryal, Pag-usapan Po Natin!, October 2009 Issue




Tinanong ko ang karamihan sa mga tao kung ano ang nais nila sa buhay, at nakakuha ako ng parehong sagot, "Gusto kong maging masaya." Karamihan ay naniniwala na ang kaligayahan ay isang bagay na maaaring makamit at maangkin ng tuluyan. Inaasahan natin na darating ang panahon kung saan sa wakas tayo ay magiging masaya, ngunit hanggang sa ngayon ito pa rin ang patuloy nating inaasahan. Gusto nating makarating sa tuktok ng Gulong ng Buhay at manatili doon. Ang layunin ay nananatiling mailap. Ang "kaligayahan na walang hanggan" ay hindi kailanman matatagpuan sapagkat habang nandirito sa munso ay imposibleng makamtan ang kasayahan at manatiling masaya. Kung ang buhay ay batay sa pagkuha ng kaligayahan, tayo ay laging kakapusin dahil ang buhay ay laging nagbabago na parang gulong na umiikot.

Mas mainam pa ang maghanap na lamang ng "kagalakan." Ang kagalakan ay may kaugnayan sa kaligayahan, ngunit ito ay isang mas malalalim na karanasan. Sa paghahanap ng kaligayahan ang isang indibidwal ay nakatutok lamang sa kanyang sarili, ngunit inaalis ng kagalakan ang isang tao sa pagiging isang sakim at pagkaabala sa sarili lamang at nagbibigay ng daan para makialam sa kapakanan ng iba. Ang kagalakan ay isang karanasan na nagkokonekta sa atin doon sa mas mataas pa sa atin. Inilabas ng kagalakan ang ating mga sarili upang makikipag-ugnayan sa iba. Ang kagalakan ay maaaring magbigay-lakas sa atin mula sa una hanggang sa huling bahagi ng buhay. Kung handa tayong isuko ang paghahanap ng kaligayahan, maaari nating mahanap ang kagalakan. Sa Gulong ng Buhay ito ay umiiral na malapit sa gitna kung saan ang kaligayahan at paghihirap ay natutugunan at nakihalubilo.

Mayroon akong nabasa noon na ang salitang "kaligayahan" ay nagmula sa parehong ugat ng salitang "nangyayari" kaya inaakala ko na ang kaligayahan ay maaaring batay sa kung ano ang nangyayari. Kung masasayang mga bagay ay mangyayari, kasunod ay pagiging masaya. Subalit iba ang tinatawag na kagalakan.

Noong ako’y nasa kapanahonan pa ng pagiging desperado, isang kaibigan ang nagsabi sa akin na "ang kaligayahan ay isa sa mga bunga ng Espiritu, at ang sinuman na may “Banal na Espiritu” sa loob niya ay may kaligayahan. Dahil hindi ko nakita ang kaligayahan sa iyong buhay, dahil wala sa iyo ang Banal na Espiritu.”

Ang taong ito ay nalilito kung ano ang "saya" sa "ligaya", sapagkat ang dalawang ito ay may kaibahan. Totoong hindi ako masaya sa mga sandaling iyon ng aking buhay. Subalit ang kagalakan ay nandoon pa rin. May kagalakan sa kaalamang kahit anong mangyayari, kahit sa gitna ng kasuklam-suklam na kalagayan, alam ng Diyos ang lahat ng mga bagay-bagay at ako ay nabubuhay para sa kung ano ang mabuti. Kagalakan kahit sa gitna ng pighati sapagkat alam ko na kahit magpatuloy ang aking buhay sa ganoong kalagayan, hindi pa iyon ang "katapusan" ng kuwento.

Ako ay namumuhay na patuloy na tumatakbo sa aking kaisipan ang kasabihang, "hindi ko alam kung ano ang hinaharap, ngunit alam ko Sino ang humahawak ng hinaharap." Nais kong maging maligaya, sino ba ang ayaw? Subalit mas gugustohin ko sa halip ay ang kagalakan. Kagalakan na tumatagal kahit na sa gitna ng mga pagsubok ng buhay. Kagalakan na hindi nakasalalay sa mga pangyayari. Ang kagalakan ay lakas. Ang kagalakan ay walang hanggan. Kahit na ang aking puso ay dinudurog, kahit na ako’y mawalan ng pag-asa, at mga pangarap ko’y nabibigo, at alisan ng materyal na mga bagay-bagay, akin pa rin ang kagalakan. Maaring hindi palaging may ngiti sa aking pisngi, ngunit sa isang mas malalim na antas ng aking kaluluwa, may kagalakan sa aking puso. Hindi ang kaligayahan ng mga pangyayari.
Ngunit ang kagalakan sa mas mataas na antas ng kamalayan, ang kagalakan sa espiritu. Ito ang tinatawag na kagalakan sa Panginoon.

Ullessis Ahmad Yusuf Abaya

Wednesday, September 16, 2009

Ang Mayamang Negosyante na may Apat na Asawa



Noong unang panahon, mayroong isang mayamang negosyante na nagkaroon ng apat na mga asawa.

Mahal na mahal niya ang ika-4 niyang asawa. Binibigyan niya ng mga mamahaling kagamitan, masasarap na mga pagkain. Inaalagaan niya ito at wala siyang ibinigay dito maliban lamang sa kung ano ang pinakamahusay o pinaka-the best.
Mahal din niya ang kanyang pangatlong asawa. Proud na proud siya nito at lagi niya ito ipinakita at ipinagyayabang sa iba at sa kanyang mga kaibigan. Gayunman, takot siya na baka balang araw ang asawang ito ay tatakbo palayo at sasama sa ibang lalaki.

Iniibig din niya ang kanyang ikalawang asawa. Siya ay napaka-maalalahanin, pasensyosa at sa katunayan siya ang katiwala ng mayamang ito. Tuwing ang negosyante ay magkaroon ng mga problema, siya ay laging bukas sa kanyang pangalawang asawa at siya lagi ng tumutulong sa kanya na makaahon sa kanyang mga suliranin sa lahat ng panahon.

Ang unang asawa naman isang napaka-tapat at napakalaki ang kanyang kontribusyon sa pagpapanatili ng kanyang yaman at mga negosyo pati na rin ang pag-aalaga ng bahay. Gayunman, ang mayamang negosyante ay walang pag-ibig sa unang asawa at kahit na mahal na mahal siya kanyang unang asawa, hindi niya ito pinapansin o inaalagaan man lang.

Isang araw, nagkasakit ang mayamang negosyante. Nang nalaman niya na siya ay malapit ng mamatay, napag-isipan niya ang kanyang buhay na marangya at ang kanyang mga kayamanan at sinabi sa kanyang sarili, "Ngayon mayroon akong apat na mga asawa. Ngunit kung ako ay mamamatay, mag-iisa na lang ako. Napakalungkot sa aking libingan."
Kaya nagtanong siya sa ika-4 niyang asawa. "Minahal kita ng higit sa lahat. Binigay ko sa iyo ang pinaka-marangyang buhay, at inaalagaan kita. Ngayon ako ay mamamatay na, maaari bang sumunod ka sa akin sa libingan upang samahan mo ako
"Hindi pwedi!" sagot ng ika-4 na asawa sabay alis na wala ng pasabi.
Sa sagot ng ika-4 na asawa ay parang hiniwa ng matutulis na kutsilyo ang puso ng mayamang negosyante.

Pagkatapos tinanong niya ang pangngatlong asawa, " Minahal kita. Proud na proud ako sa iyo. Ngayong ako ay agaw-buhay na, ikaw ba ay susunod sa akin upang samahan ako sa aking libingan?"

"Hindi!" sumagot ang pangatlong asawa. "Ang buhay ay napaka-sarap dito sa mundo, at ako ay mag-aasawang muli kapag patay ka na!" Parang nawasak ang puso ng mayamang negosyante at siya ang nanglamig sa kanyang karirinig.

Pagkatapos nito ay nagtanong siya sa kanyang pangalawang asawa, "Ako ay laging nakabukas para sa iyo at sa iyo ako laging humihingi ng tulong at lagi mo akong tinutulungan sa aking mga problema. Ngayon, kailangan ko ang inyong tulong muli. Kung mamatay ako, ikaw ba ay susunod sa akin upang samahan ako sa aking libingan?"
"Ikinalulungkot ko, ngunit hindi kita matulungan sa oras na ito!" Sumagot ang pangalawang asawa. "Ang kaya ko lamang gawin ay ang paghatid sa iyo hanggang sa iyong libingan." Ang sagot na ito ay tulad ng isang kulog para sa mayamang negosyante at mas lalong siyang nalungkot.
Pagkatapos isang ang boses ang kanyang narinig: "Sasama ako sa iyo. Susundan kita kahit saan ka pupunta." Tumingin ang mayamang negosyante sa kanyang ulunan at doon nakita niya ang kanyang unang asawa. Payat na payat, katulad ng isang taong nagdusa mula sa malnutrisyon.
Labis na nalungkot, ang matandang negosyante ay nagsabi, "dapat ikaw pala ang mas inaalagaan ko noong kaya ko pa!" At ang matandang mayaman ay sising-sisi at naghihinayang hanggang sa kanyang huling hininga.

Lahat tayo ay mayroong apat sa asawa sa ating buhay.
Ang pang-4 na asawa ay ang ating mga katawan. Kahit anong pagsisikap natin upang ito ay magiging magmukhang maganda at mabuti, ito ay aalis sa atin kapag tayo ay mamatay.

Ang ating pangatlong asawa ay ang ating mga ari-arian, katungkulan at yaman. Kapag mamamatay tayo, lahat ng ito ay mapupunta sa iba.

Ang pangalawang asawa ay ang ating mga pamilya at mga kaibigan. Gaano man sila kalapit sa atin habang tayo ay nabubuhay, maaari silang manatili sa ating piling hanggang sa kung saan tayo ililibing.

Ngunit ang UNANG asawa ay sa katunayan ang ating kaluluwa, madalas nating napapabayaan dahil sa ating paghahanap ng mga materyal na kayamanan, katanyagan, katungkulan, at makamundong mga pagnanasa.

Ngunit tandaan natin, ito lamang ang tunay at bukod tanging susunod sa atin, saan man tayo pupunta.
Marahil ay isang magandang ideya na alagaan at palakasin natin ito ngayon, habang kaya pa natin, sa halip na maghintay tayo sa oras ng ating paghihingalo at dumadaing ng labis na panghihinayang.

Wednesday, September 2, 2009

Ang Katapatan


Ang katapatan at katotohanan kapag magkasama ay napakahusay. Ang katapatan ay katotohanan, at ang katotohanan ay katapatan. Maaaring hindi magiging dakila ang isang tao dahil lamang sa pagkakaroon ng katotohanan, ngunit ito ang pinaka mahalagang sangkap ng isang mahusay na katangian. Ito ay nagbibigay ng seguridad sa mga amo na umuupa sa isang tao, at pagtitiwala sa mga nasa ilalim ng kanyang pangangasiwa. Ang katotohanan ang pinakadiwa sa paninindigan, sa integridad, at pagsasarili, ang pangunahing pangangailangan ng bawat isa. Ang ganap na katapatan ay mas lalong kailangan sa ngayon kaysa sa kahit anong panahon sa ating kasaysayan.

Ang katapatan at ang integridad ay tinukoy bilang mga katangian na magbibigay-daan ng isang indibidwal na gawin ang tama ng madalas hangga't maaari, at kapag siya ay nakagawa ng isang pagkakamali inaamin niya ang kanyang kamalian. Ang ilang mga tao ay makatarungan ngunit hindi tapat, ang ilan naman ay tapat ngunit hindi makatarungan. May isang grupo ng mga piling tao na makatarungan at matapat ngunit karamihan sa mga taong ito ay hindi napapansin at walang kumakatawan.

Ang katapatan ay ang pagkapit sa katotohanan at kadalisayan. Ang taong matapat ay nagsasabi ng katotohanan, mapagkakatiwalaan, walang panlilinlang at totoo sa kanyang sarili. Ang katapatan ay ang paggawa ng tama na hindi hanggad ang pagkakaroon ng reputasyon, bayad, gantimpala o parangal. Ang katapatan ay ang pagtuklas kung ano ang katotohanan at nang ito ay matuklasan, pagtitibayin at panatilihin niya ito. Ang katapatan ay hindi lamang yaong pangkaraniwang iniisip ng mga tao, tulad ng hindi pagnanakaw, hindi pagsisinungaling, walang panlilinlang o pandaraya. Ang katapatan ay higit pa sa mga ito.

Tuesday, September 1, 2009

EDITORYAL, Pag-usapan Po Natin! Sep 2009 Issue



Ang katapatan ang pinakamahusay na patakaran, ito ay laging marinig natin mula sa ating mga nakakatanda. Ang katapatan ay ang katumbas sa pagsasalita ng katotohanan at ang paglikha ng tiwala sa isipan ng iba. Kabilang dito ang lahat ng uri ng komunikasyon, mapa-berbal man o hindi. Ang katapatan ay nagpapahiwatig ng walang panlilinlang. Ang isang pahayag ay maaaring totoo ngunit hindi pa rin tapat kung ang intensyon nito ay upang dayain ang mga nakikinig. Ganon din, ang isang kasinungalingan ay maaaring masabi na may katapatan kung ang nagsasalita nito ay talagang paniwalang-paniwala na ito ay totoo.

Ang katapatan ay kadalasang itinuturing na isang mahusay na pag-uugali. Ito ay may malakas at positibong katayuan sa halos lahat ng sitwasyon. Ang katapatan ay nagpapadali sa mga komunikasyon at palitan ng impormasyon, sapagkat ang tapat na mga mamamahayag ay agad pinagkakatiwalaan. Dagdag dito, ang katapatan ay tumutulong sa pagbuo ng buklod ng tiwala sa pantaong mga relasyon. Sa kabaligtaran, ang pagsisinungaling ay isang pag-uugaling ginagawa na may layuning palilinlang. Ang pagsisinungaling, bagaman ito ay karaniwan, ay inaayawan kahit ng taong sinungaling. Iginigiit niya na siya ay nagsasalita ng katotohanan, sapagkat alam niya na ang katotohanan ay iginagalang sa lahat ng dako, habang ang pagsisinungaling ay inaayawan kahit saan. Ang pagsisinungaling ay hindi lamang ang pagka-walang katapatan, ngunit ito rin ay tanda ng pagiging duwag. Ang pinaka-grabe sa mga taong sinungaling ay yaong isinasantabi ang katotohanan. Wala silang lakas ng loob upang sabihin ang tama, bagkos naglilibot at ikinakalat ang mga kung anu-anong hindi tunay at hindi totoo. Ang isang kasinungalingan na may halong totoo ang pinakamasama sa lahat ng pagsisinungaling

Sa pangkalahatan, ang katapatan ay itinuturing na magandang asal at ang pagsisinungaling ay hindi.

Ullessis Ahmad Yusuf Abaya

Friday, August 21, 2009

Bakit ang pag-aayuno’y natatanging ipinag-uutos sa buwan ng Ramadan para sa mga Muslim?



Ang buwan ng Ramadan ang ika-9 na buwan sa kalendaryong Islamikong lunar. Dahilan
sa isang taong lunar ay halos isang linggo at kalahating mas maiksi kaysa taong solar, ang buwan ng Ramadan ay umiikot pabalik sa loob ng mga panahon. Ito’y banal na
buwan dahilan sa itinadhana ng Panginoon ito sa pagpahayag ng mga banal na kasulatan. Inuulit ng Imam Ja’far as-Sadiq ang Banal na Propeta, sumakanya nawa at ng
kanyang pamilya ang kapayapaan, na nagsasabing:
“Ang mga aklat ni Abraham ay ipinahayag sa unang gabi ng buwan ng Ramadan; ang
Torah ay ipinahayag sa ika-6 ng buwan ng Ramadan; ang Ebanghelyo ay ipinahayag sa
ika-13 ng buwan ng Ramadan... at ang Banal na Qur’an sa ika-23 ng buwan ng
Ramadan.”
Itinuring ding sagrado dahilan sa ito’y naglalaman ng Gabi ng Kamaharlikaan (Laylatul
Qadr). Ang “qadr” ay nangangahulugan nang literal ng destino, at sa gabing ito
itinatakda ng Panginoon ang bawat pangyayaring magaganap sa susunod na taon sa
bawat at lahat ng Kanyang nilalang. Ipinaalam ng Imam Ja-far as-Sadiq sa atin na:
“Sa Laylatul Qadr ang lahat ng mga anghel, ang espiritu, at mga pinagkakatiwalaang
iskribyente ay nananaog sa mas mababang mga langit at isinusulat ang anumang
itinatakda ng Panginoon sa naturang taon, at kung ninanais ng Panginoong paagahin
ang isang bagay o ipagpaliban ito o daragdagan ito, inuutusan Niya ang anghel na
burahin ito at papalitan ng anumang itatakda ng Panginoon.”
Ang Banal na Propeta ng Islam, sumakanya nawa at ng kanyang pamilya ang
kapayapaan, ay nagsasabi sa atin hinggil sa mga malalaking biyaya ng buwan ng
Ramadan:
“[Ang buwan ng Ramadan ay] umaapaw ng mga kabutihan, mahabagin, handang
iharap ang iyong mga kasalanang pagkaligta at paggawa sa Panginoon upang
makatamo ng Kanyang kapatawaran. Ang mga araw, gabi at oras nito, sa paningin ng
Panginoon, ay mas hirang, dalisay at mahalaga kaysa mga araw, gabi at oras ng ibang
mga buwan. Nahihigtan nito ang ibang mga buwan sa mga biyaya at pabor… Kaya,
taimtim, ligtas sa mga masama at makasalanang pag-iisip, at may malinis na
konsensiya na magdasal at hilinging sana’y bigyan ka ng Panginoon ng puso at lakasloob
na mag-ayuno… sa loob ng buwang ito…”

Thursday, August 20, 2009

Ang Pag-aayuno sa Buwan ng Ramadan



Bawat taon sa ika-9 ng buwang lunar ng kalendaryong
Islamiko, mga Muslim sa buong mundo’y nangingilin sa
pagkain, inumin, walang-kabuluhang pagsalita, at iba pang
mga gawa mula bago pagsikat ng araw hanggang paglipas ng
paglubog nito.

"O kayong mga naniniwala! Ang pag-aayuno’y ipinag-uutos sa
inyo, katulad ng pag-utos sa mga nauna sa inyo nang kayo’y
masalag mula sa masama. (Mag-ayuno) sa ilang dami ng mga
araw …"
(Qur'an, Bakara:182-183)

Monday, August 10, 2009

Kapighatian at Kahirapan




Ang tunay na mananampalataya ay yaong marunong tumanaw ng utang na loob at nagpapasalamat sa lahat ng kahanga-hangang mga biyayang ipinagkakaloob sa kanya ng Dakilang Lumikha. Gayundin, siya ay nagpapakita ng tunay na pagtitiis at buong pagtanggap sa panahon ng kapighatian, kahirapan, paghihikahos at iba pang mga pagsubok na maaaring dumating at maranasan sa kanyang buhay.

Dapat malaman ng tao na itinakda ng Dakilang Lumikha dito sa lupa ang kapighatian at kahirapang dumarating sa buhay ng bawa’t tao – mananampalataya man o di-mananampalataya. Kadalasan, kung ang tao ay hindi mananampalataya, ang kahirapan at kapighatian ay itinuturing na malaking sagabal at kaguluhan sa kanyang pamumuhay. Sa kabilang dako, itinuturing ng mga mananampalataya na ang lahat na nagaganap dito sa mundo ay mga pagsubok lamang. Gayundin, tinatanggap ng isang tunay na mananampalataya ang anumang pagsubok na darating sa kanyang buhay sapagka’t alam niyang bahagi ito ng kapalaran at batid niyang ang lahat ng pangyayari ay mga paraan ng paglilinis at pagpapatawad ng mga kasalanan.

Saturday, August 8, 2009

ANG PANGUNAHING ARAL NG ISANG TUNAY NA RELIHIYON



Ang pangunahing aral o katangian ng halos lahat ng mga relihiyon ay ang paniniwala sa iisang Diyos o ang Kataastaasang Nag-iisang Diyos na siyang Pinakamakapangyarihan at Nakakaalam ng lahat. Ang mga tagasunod ng bawa’t relihiyon ay naniniwala na ang kanilang Diyos na sinasamba ay katulad ng Diyos na sinasamba ng iba at tanging ang pagkakaiba ay ang pamamaraan ng pagsamba at ang pagkilala sa pangalan Niya. Ang ganitong pananaw ay hindi tinatanggap sa Islam. Ang Islam ay nagtatakda na ang paniniwala ay may kaakibat na gawa na umaayon sa utos ng Dakilang Lumikha. Ang paniniwala sa nag-iisang Diyos, ang pamamaraan ng pagsamba at ang pagkilala sa pangalan Niya ay may tamang pamantayan at gabay na sumasang-ayon sa iisang batas na Kanyang ipinagkaloob. Ang Banal na Qur’an ay nag-aatas na hikayatin ang mga “Angkan ng Kasulatan”, at magkasundo sa iisang salita hinggil sa nag-iisang Diyos:

“Sabihin (O Muhammad) : O Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristyano)! Halin kayo sa isang salita na makatarungan sa amin at sa inyo, na wala tayong ibang sasambahin maliban sa (nag-iisang) Allah (SWT), at hindi tayo magbibigay ng ano mang katambal Niya, at hindi tayo kukuha ng ibang Diyos maliban sa Allah U,” At kung sila ay tumalikod, magkayo’y, sabihin, “Saksi kayo na kami ay Muslims”. Banal na Qur’an: Al-Imran [3]:64

Ang nasabing Ayat o Talata ay nagbibigay diin sa bawa’t Muslim na hikayatin ang mga Hudyo at Kristyano na magkaisa sa iisang paniniwala na walang dapat sambahin maliban sa nag-iisang Diyos - ang Allah (SWT). Ipinakikilala sa talatang ito ang pagiging makatarungan sa pagkilatis ng katotohanan, at isang salita o ugnayan na kung saan ay magiging katanggap-tanggap sa bawa’t panig.

Ang Kaisahan ng Allah (SWT) ay nagtatagubilin sa tao na IISA lamang ang nararapat na pag-ukulan ng pagsamba. Kasunod nito, nararapat na IISA lamang ang relihiyon na dapat tangkilikin ng tao, magkagayon, makatarungan lamang na IISA din ang pamamaraan ng pagsamba.

At sinabi ng Allah (SWT) "Huwag sumamba sa dalawang Diyos. Katotohanan, Siya lamang ang nag-iisang Diyos. Banal na Qur’an:An-Nahl[16]:51

Ang paniniwala sa Nag-iisang Diyos ay hindi nagtatapos sa simpleng paniniwala lamang, ang paniniwala ay pinagtitibay ng gawa at ang gawa ay nararapat na sumasang-ayon sa kagustuhan ng Nag-iisang Diyos. Samakatuwid, marapat lamang bigyan ng pansin na ang Islam ay nagtuturo ng isang paniniwala sa Nag-iisang Diyos, ang Allah (SWT), na pinagtitibay ng gawa ayon sa kautusan ng Nag-iisang Diyos. Anumang uri ng paniniwala na walang pagsagawa ay itinuturing na walang saysay.

Sa mabilis na paglipas ng panahon ang Kaisahan ng Allah (SWT), ang pagkilala sa IISANG relihiyon at ang iisang pamamaraan ng pagsamba ay nabahiran ng maraming pagdadagdag o pagbabawas. Nagsulputan ang iba’t ibang pananalampalataya na halos lahat ay nag-aangkin na nasa kanila ang kaligtasan. Ang pagtatakda ng Allah (SWT) sa kaganapang ito ay isang pagsubok sa talino ng tao sa kanyang malayang pangangatuwiran upang malaman kung ano ang tama at mali.

("Ang Batayan ng Tunay na Relihiyon")

Friday, August 7, 2009

SINO ANG TAGAPAGTATAG NG RELIHIYON ?



Ang Dakilang Lumikha lamang ang may tanging karapatan na magtatag at magbigay ng relihiyon kaalinsabay ng mga batas at kautusan. At ang relihiyon (pamamaraan ng buhay) ay patuloy Niyang ipinahayag mula pa noong nilikha Niya ang unang tao-(sina Adan at Eba) hanggang sa ihayag ito sa kabuuang anyo kay Propeta Mohammad at patuloy na ipatutupad hanggang sa Araw ng Paghuhukom.

Sa kaisipan ng ibang tao, ang relihiyon ay maaaring itatag ng kahit na sinong tao. Sa katotohanan, kahit sinong Propeta na isinugo ng Dakilang Lumikha ay hindi mga tagapagtatag ng Relihiyon. Ang Relihiyong Kristiyanismo ay hindi itinatag ni Hesukristo, ang relihiyong Judaismo ay hindi itinatag ni Propeta Moises, ang relihiyong Islam ay hindi itinatag ni Propeta Muhammad. Ang mga Propeta ay mga Sugo lamang ng Diyos na binigyan ng karapatan at kakayahan upang isakatuparan ng tamang pamamaraan ng buhay na tinatawag nga natin sa payak na kahulugan na “ relihiyon”. Si Moises ay hindi nagsabi na ang kanyang relihiyon ay Judaismo. Hindi ito matutunghayan sa Lumang Tipan o maging sa kanyang orihinal na Kasulatan na Tawrat. Si Hesus ay walang sinabi na ang kanyang relihiyon ay Kristiyanismo. Walang matutunghayang salita si Hesus na tumutukoy sa Kristiyanismo. Samantala, ang Banal na Qur’an na siyang huli sa lahat ng Banal na Kasulatan ay nagpahayag na ang Islam ang tunay at tanging relihiyon sapagkat ito ay nagmula sa Kanya. Ang Islam ay hindi kathang isip ni Propeta Muhammad bagkus ito ay kanyang ipinamahagi bilang mensahe sa kanya ng Nag-iisang Diyos, ang Allah (SWT). Ang mga Propetang isinugo ng Diyos sa lupa na kinikilala ng sangkatauhan tulad ni Adan, Noah, Abraham, Lot, Ismael, Isaak, Moises, Aaron, David, Solomon, Hesus at ang huli na si Propeta Muhammad ay iisa ang dalang relihiyon. Ito ay relihiyong ng kapayapaan. Sa wikang ginamit ni Moises at Hesus, ito ay tinawag na shalom. Sa wikang ginamit na arabik ito ay Islam-isang katagang hinango sa salitang salam na ang literal na kahulugan nito ay Kapayapaan, kapayapaan sa kapaligiran, kaisapan, kalooban at katawan ng sinumang naghahangad na isuko ang kanyang buong sarili sa Nag-iisang Diyos-ang Allah..

“Katiyakan, ang (tunay) na relihiyon sa paningin ng Allah ay ang Islam (ganap na pagtalima at pagsuko sa Kanyang kalooban)” Banal na Qur’an:Al-Imran [3]:19

At dahil mayroon lamang isang Tanging Diyos, at iisa lamang ang pinagmulan ng tao, samakatuwid isang panuntunan o relihiyon lamang ang ipinagkaloob upang ang lahat ng tao ay magkaroon ng isa at tanging pagkilala sa kanilang Diyos. Hindi Niya binigyan ng sariling relihiyon ang mga Hudyo, at hindi rin naman binigyan ng sariling relihiyon ang mga Kristiyano at hindi rin naman binigyan ng sariling relihiyon ang mga Muslim, bagkus isang Relihiyon ang ipinagkaloob Niya para sa sangkatauhan.

“Katotohanan, Aming ipinadala ang (kapahayagan) inspirasyon sa iyo (O, Muhammad) katulad ng Aming pagpapadala ng (kapahayagan) inspirasyon kay Noah at sa mga propetang (dumating) pagkaraan niya. At Amin ding binigyang inspirasyon si Abraham, Ismael, Isaak, Hakob at ang Al Asbat (labindalawang anak ni Hakob), Hesus, Hob, Jonas, Aaron, at si Solomon at kay David ipinagkaloob ang Zabur (Psalmo). Banal Na Qur’an:An-Nisa [4] : 163

("Ang Batayan ng Tunay na Relihiyon")

Thursday, August 6, 2009

Mga sinabi ni Propeta Muhammad tungkol sa Pakikitungo sa Kapwa



"Hindi magbibigay ng habag ang Allah sa isang taong hindi marunong mahabag sa kapwa."
(Bukhari at Muslim)

"Hindi nababagay sa isang marangal at matapat na tao ang mang‑alipusta."
(Muslim)

"Kapag kayo ay nakatagpo ng mga taong labis ang pagpuri sa kapwa, sabugan sila ng alikabok ang kanilang mukha."
(Muslim)

"Ang nananampalataya ay hindi itinalaga upang magparatang sa iba o sumpain sila, ni hindi siya mahalay o walang‑hiya."
(Tirmidhi at Baihaqi)

"Ang paninirang‑puri ay higit na masama kaysa pakiki‑apid." Nang tanungin siya kung paano nangyari yaon, siya ay sumagot, "Ang taong nakagawa ng pakiki‑apid at matapat na magsisi ay patatawarin ng Allah. Subali't ang mapanirang‑puri ay hindi mapatatawad (ng Allah) hanggang sa patawarin siya ng kanyang (siniraang) kasama."
(Baihaqi)

"Ang taong pinaka-marangal sa paningin ng Allah ay yaong pinakamaka‑diyos."
(Bukhari at Muslim)

"Ipinahayag sa akin ng Allah na dapat kayong maging mapagkumbaba, nang sa gayon walang sinuman ang magmalaki o mang‑api sa iba."
(Muslim)

"Isa sa mga pinakamabunying paggawa ng kabaitan ng isang tao ay mabuting pakikitungo sa mga kaibigan ng kanyang ama kahit ang huli ay yumao na."
(Muslim)

"Ang Mapagmahal (Ang Allah) ay magbibigay ng habag sa mga taong mahabagin. Kung kayo ay magbigay ng habag sa mga nandito sa lupa, Siya na nasa langit ay magbibigay ng habag sa inyo."
(Abu Dawud at Tirmidhi)

"Sinuman ang walang habag sa mga bata at walang galang sa mga matatanda, at sinuman ang hindi nagpapayo ng kabutihan at hindi nagbabawal sa kasamaan, ay hindi nabibilang sa atin."
(Tirmidhi)

"Walang kabataan na nagbigay dangal sa matanda na hindi bibigyan ng Allah ng isang magbibigay dangal sa kanya pagdating ng kanyang pagtanda."
(Tirmidhi)

"Sinumang magbigay ng pagkain at inumin sa isang batang ulila, ipangangako ng Allah sa kanya ang Paraiso maliban lamang kung siya ay nakagawa ng di‑napapatawarang kasalanan. At sinumang mag‑aruga ng tatlong anak na babae o tatlong kapatid na babae, at kanyang pinangangaralan at pinakikitaan ng kabutihan hanggang sa pagyamanin sila ng Allah, ipangangako ng Allah sa kanya ang Paraiso."
(Sharh Assunna)

"Sinumang humaplos sa ulo ng batang ulila nang may pagkahabag at pagmamahal dahil sa Allah, siya ay bibiyayaan sa bawa't buhok na masayaran ng kanyang kamay. At sinumang makitungo nang mahusay sa isang batang ulila na nasa kanyang pag‑aaruga, siya at ako ay katulad ng dalawang ito sa Paraiso, at inilapat ang kanyang dalawang daliri ng magkadikit."
(Ahmad at Tirmidhi)

"Iwasan ang inggit sapagka't ang inggit ay sumusunog sa magagandang gawa kagaya ng apoy na sumusunog sa dayami."
(Abu Dawud)

"Ang katamtaman sa paggastos ay kalahati ng kabuhayan, ang pagkamagiliw sa tao ay kalahati ng pang‑unawa at ang pagtatanong ng mabubuting tanong ay kalahati ng kaalaman."
(Baihaqi)

"Ang Allah ay mabait at Kanyang kinalulugdan ang kabaitan. Ang pagpapala Niya sa kabaitan ay hindi ibinibigay sa kalupitan at sa anupaman."
(Muslim)

"Siyang nawalan ng kahinayan ay nawalan ng kabutihan."
(Muslim)

"Walang ibubunga ang kababaang‑loob kundi kabutihan."
(Bukhari at Muslim)

"Ang Allah ay hindi tumitingin sa inyong anyo o ari‑arian, bagkus Siya ay tumitingin sa inyong mga puso at sa inyong mga gawa."
(Muslim)

Saturday, August 1, 2009

EDITORYAL, Pag-usapan Po Natin! Aug 2009 Issue




Ang kalungkutan ay isa sa ating kinatatakutan. Karamihan sa atin ay nakadama na nito. Karamihan sa atin ay takot dito. Pero ito ay isang paksa na hindi gaanong pinag-uusapan. Tayong lahat ay maaaring nakaranas ng kalungkutan sa iba’t ibang kadahilanan, at maraming mga pangyayari sa buhay ang maaaring iuugnay sa mga ito. Ang kawalan ng kaibigan, o ang kawalan ng makabuluhang mga tao sa paligid ay nagiging sanhi ng lungkot, depression, at kusang di pag-aasawa. Tayo ay nabubuhay sa isang lipunang napakaraming di pagkakapantay, at kung saan maraming tao ang nakakaranas na hindi sila kasali. Ang mga taong walang layang magpahayag ng saloobin ay makakaranas ng kahinaan, pakiramdam ng pagkabale wala at kalungkutan.

Ngunit ang kalungkutan at ang pag-iisa ay hindi magkapareho. Maraming mga tao ang mas pinili ang pag-iisa. Ang pagiging mag-isa ay maaaring isang karanasang positibo, at kaaya-aya kung ito ay kagustuhan ng isang indibidwal. Ang pamumuhay na mag-isa ay mabuti paminsan-minsan sa isang tao. Ang kalungkutan naman sa kabilang dako ay ang pag-iisang hindi ginugusto. Ang tao ay maaring malungkot o makadama ng pag-iisa kahit napapaligiran ng mga tao.

Posibleng malampasan ang kalungkutan, kung ikaw ay talagang determinadong gawin ito. Upang tulungan ang iyong sarili, kakailanganin mong pag-isipan ang mga dahilan ng iyong mga damdamin at kung anong positibong hakbang ang maari mong gawin. Kung ikaw naman ay madalas mag-isa dahil hindi ka komportable sa ibang tao sa mga pagkakataong kailangang makihalubilo, mahalagang magdahandahan. Mula sa maliit na hakbang muna at huwag magmadali. Bawat pagkakataon na maaring makihalubilo, kahit gaano kaliit, ay kunin mo. Kausapin ang tindera sa supermarket kung saan ka bumibili ng pagkain. O di kaya ay wag palampasin ang taong kumakausap sa iyo sa bus. Magtanong ka. Maging interesado sa lahat ng bagay.
Mahalagang alalahanin na ang mga ito ay lahat lilipas, at kung minsan masakit man ang pagbabago, maari rin itong magdulot ng panibagong buhay, kamalayan at posibilidad.

At muli, Ramadan Mubarak para sa lahat ng mga kababayan natin sa Kuwait at sa buong mundo, lalong-lalo na sa ating mga kapatid na mga Muslim. Inaanyayahan namin kayong lumahok sa ating Pagsusulit sa Buwan ng Ramadan 2009, sa page 11, at manalo ng libreng plane tickets at mga consolation prizes.

Ullessis Ahamad Yusuf Abaya

Kahulugan Ng Haram, Halal, at Makruh


Al Halal: Mga bagay na ipinahintulot, at walang paghihigpit na umiiral.

Al Haram: Mga bagay na ganap na ipinagbawal, at sinuman ang magkamaling magsagawa ay matatamo ang kaparusahan ng AllahU sa kabilang buhay, gayundin ang legal na kaparusahan sa lupa.

Al Makruh: Mga bagay na hindi ganap na tinutulan ng AllahU at mas mababa ang antas kaysa sa Haram. Ang kaparusahan sa pagsasagawa ng mga bagay na Makruh ay mas mababa kaysa sa kaparusahan sa mga Haram na bagay na nagawa – maliban, kung paulit-ulit na naisasagawa, daan o bagay upang mapatungo sa pagiging Haram.

Sunday, July 5, 2009

Ang Karagdagang Pera Ba Ang Sagot?


Ang pagkakaroon ba ng mas maraming pera ang solusyon sa iyong problema tungkol sa paggastos? "Inaakala nating lahat na mas malaking suweldo ang sagot sa ating mga pighating pam-pinansiyal, ngunit iyon ay bihirang mangyari," sabi ng isang financial adviser na si Suze Orman.

Sa paglalarawan: Kung ikaw ay nagmamaneho ngunit walang kontrol sa iyong sasakyan o kaya’y nakapikit ang mga mata, ang paglagay ba ng mas maraming gasulina sa iyong tanke ay magbigay sa iyo ng komportable? Maaari mo kayang marating ang iyong patutunguhan ng ligtas? Gayundin, kung hindi mo alam kung paano kontrolin ang iyong paggastos, ang kumita ng malaki ay hindi sapat upang mapabuti ang iyong sitwasyon. [Awake, UAYA]

Bakit Mahirap Maging Assertive?

Saturday, July 4, 2009

Pera ang Bawat Oras


Ang ilang mga kultura ay may kasabihan, ang oras ay pera. Ito ay nagbibigay-diin na ang mga tao ay dapat na gumastos ng oras upang kumita ng pera at mag-aksaya ng oras upang mag-aksaya ng pera. Ang kabaligtaran ng kasabihang ito ay totoo - ang pera ay oras. Kung ikaw ay aksaya sa pera, inaaksaya mo rin ang mga oras na ginugugol mo para kumita ng pera. Alamin kung paano kontrolin ang iyong paggastos at iyong malaman kung paano kontrolin ang iyong oras. Kapag kino-kontrol mo ang iyong mga gastusin, makokontrol mo kung magkano ang iyong kikitain. Sa pamamagitan ng paglikha ng isang badyet at mananatili rito, hindi mo na kailangan pang magtrabaho ng mahahabang mga oras upang mabayaran lamang ang naglakihang mga utang. Ikaw ay magkakaroon ng kontrol ng iyong oras at sa iyong buhay. Tandaan, kung ikaw ay aksaya sa pera, inaaksaya mo rin ang mga oras na ginugogol mo upang kumita ng pera.[Awake, UAYA]

Assertive, Aggressive, Passive - Ano ang Pagkakaiba?

Wednesday, July 1, 2009

EDITORYAL, Pag-usapan Po Natin! Jul 2009 Issue




Isang mainit na paksa ang assertiveness (pagka-mapang-giitin) sa halos mahigit isang dekada na. At bakit naman hindi? Ang mga taong nakasanayan na ang pagiging assertive ay malayo ang nararating at sa mas mabilis na paraan kahit saan at anumang oras sapagkat alam nila ang angkop na pamamaraan kung paano tumugon sa anumang paghamon. Ang pagiging assertive ay hindi nangangahulugang sakim ka o bastos. Hindi ka nito ginagawang nakayayamot o nakaiinis. Ito ay nangangahulugan lamang na sinasabi mo ang kung ano ang totoo at nakukuhang tapusin ang mga bagay na dapat tapusin. Ang mga taong mapamilit na wala sa tamang lugar ay maaaring manalo sa away, ngunit ang mga assertive lamang ang nananalo sa digmaan. At matapos ang isang hidwaan, ang mga tao lamang na assertive ang makakakuha ng respeto mula sa kanilang mga kasukat o kapareho.
Kahit ano ang ipagawa mo sa iba, mas madali para sa kanila na gawin ang iyong kahilingan kapag alam mo kung ano ang gusto mo at kaya mong sabihin sa kanila ng malinaw kung ano ito. Maging ang kausap mo ay isang ahente ng insurance o kaya’y isang waiter, ang kanilang trabaho ay para pagsilbihan ka. Kapag alam mo kung ano ang gusto mo, ginawa mo ng sampung beses na mas mas madali para sa kanila na gawin ang kanilang trabaho.
Tulad ng anumang bagay sa buhay, ang pagiging mapamilit o assertive ay kailangang balanse. Kung ang waiter ay nagkamali at nagdala sa iyo ng isang bagay na di mo gusto, kausapin mo - at panindigan ito hanggang ang problema ay naitama niya. Ngunit kung ang isang kahero ay umaangal sa iyo, hindi mo na trabaho ang turuan siya ng tamang pag-uugali at kung papaano niya bigyan ng magandang serbisyo ang mga kustomer, kaya hayaan mo na. Mahalaga na makuha mo ang karapat-dapat sa buhay, ngunit mahalaga rin na maunawaan mo kung ano ba talaga ang karapat-dapat. Piliin mo ang iyong laban. Alamin kung ano ang mahalaga at kung ano ang mas importante. Sa ganitong paraan, ang buhay ay magiging mas madali, at kahit paano ay makikita mo na ito ay hindi pala mahirap tulad ng inaakala.

UAYAbaya

Wednesday, June 3, 2009

Paano ko Mapipigil ang Aking Paggasta?


Madalas ka bang bumili ng mga bagay na hindi naman kailangan, kaya lang dahil sa ito ay bagsak-presyo kaya binili mo? Ang paggastos ba ng pera ay parang kulang para sa iyo? Sa halip na alalahanin pa ang pera na wala sa iyo, bakit hindi alamin upang kontrolin ang pera na dumadaan lamang sa iyong mga kamay?
Ang pinakamainam na panahon upang malaman papano pamahalaan ang pera ay bago madanasan ang malupit na katotohanang pang-pinansiyal sa hinaharap. "Ang salapi ay sanggalang," sumulat si Haring Solomon. (Ecclesiastes 7:12) Ngunit protektahan ka lamang nito kung alam mo paano kontrolin ang iyong mga gastos. Ang pagkontrol sa paggastos ay mas madali sa salita kaysa sa gawa.
Ang paggastos ng pera ay kasiya-siya at tunay na madali. Ang pagbili ng mga bagay-bagay ay nagbibigay ng kilig sa sarili. Marami sa mga magkakaibigan, ang pamimili ay isang pangunahing uri ng libangan. Kapag kasama mo sila, likas na ang gumastos ng pera upang magkaroon ng saya. Ikaw ba ay gumastos dahil kaya mo o dahil lamang sa napipilitan ka? Maraming mga tao ang gumastos na ang hangad ay upang mapalakas ang kanilang reputasyon sa mga kaibigan at mga kasama. Ang ganitong pag-uugali ay maaaring maging sanhi upang ikaw ay magkakaroon ng malalaking problema sa pananalapi, lalo na kung ikaw ay mayroong credit card. "Kung ang nais mo’y hangaan ng mga tao sa kung anong meron ka sa halip na kung ano ka, ikaw ay nanganganib na maging isang abusado sa paggamit ng credit card." (Suze Orman, Financial adviser)
Sa halip na sukdulang gamitin ang credit card o gastosin ang buong sahod sa isang labasan, planohin ang mga lakad at kalkulahin ang limitasyon sa iyong mga gastos. Dalhin lamang ang sapat na halagang kailangan. Tama rin na sumama sa mga kaibigan na maingat sa kanilang mga pera at nanghihikayat sa iyo upang tumingin-tingin muna sa ibang mga tindahan sa paligid at hindi yaong bumili agad sa mga bagay pagkakita nito.
Maaaring sinusubukan ng buhay upang turoan ka sa mga pinaka-importanteng aral, na ang kaligayahan ay hindi nakasalalay sa pagkuha ng lahat ng bagay na gusto mo. "Siyang umiibig sa pilak ay hindi masisiyahan sa pilak; o siya mang umiibig sa kayamanan ay masisiyahan sa kanyang kita." (Ecclessiastes 5:10) Ang katotohanan ng mga salitang ito galing sa mga karanasan ng mga taong bumili ng lahat ng bagay na kanilang gusto. Hindi nagtagal natuklasan nila na sila ay hindi nagiging kontento. Kahit gaano karaming mga bagay-bagay na kanilang maipon, sila ay laging nakaramdam na kailangan pang bumili ng bumili pa. Pagdating ng panahon, ang mga taong ninanais lagi na makuha ang lahat ng kanilang mga kahilingan sa buhay ay nagiging mga walang pagpapahalaga sa buhay. [Awake, UAYA]

Monday, June 1, 2009

EDITORYAL, Pag-usapan Po Natin! Jun 2009 Issue



Binubutasan ba ng pera ang iyong bulsa? Ikaw ba ay nagsisisi matapos mong bilhin ang mga bagay-bagay? Ikaw ba ay mahilig gumastos ng walang dahilan? Kung ang mga katanungang ito ay pamilyar na sa iyo, paano mo pamahalaan ang iyong paggastos na maaari ka pa ring bumili ng mga bagay na kailangan mo at may maitabi pa para sa darating na mga araw?
Upang baguhin ang mga kagawian, dapat mong maunawaan kung paano ang mga ito nahuhugis at ano ang mga paraan upang magkaroon ng pagbabago. Sapagkat marami ang nagiging sugapa sa paggastos ng pera katulad ng isang taong labis na nagugumon sa bisyo. Kung ang paggastos ay parang isang pwersa o lakas na hindi mo mapaglabanan, ang tunay mong kaaway ay ang sarili mo mismo.
Ang pag-iimpok ay ang pagtatabi ng pera para sa mga pangangailangan sa hinaharap. Ang perang naitabi ay mananatili sa iyong pitaka o sa bangko. Ito ay maaaring gamitin para sa ibang layunin, kabilang na dito ang iyong mga pangangailangan o ang mga pangangailangan ng mga mahal mo. Ang pera na ginastos na ay nawawala na sa iyong mga kamay at ito ay maaaring hindi na sa iyo babalik pa. Natandaan mo pa ba ang sapatos na dati ay 25 dinars at binili mo ng sale sa halagang 10 dinars? Kung sa tingin mo ay nakatipid ka ng 15 dinars, hindi mo pa rin ito nakuha. Ipakita mo nga sa akin ang na-save mong 15 dinars. Wala, di ba? Baka naman kaya mo lang binili ang sapatos dahil sa ito ay sale, at hindi mo talaga ito kailangang bilhin!
Kung ito ang tinawag mong "pagtitipid" darating ang panahon na ikaw ay wala sa wala. Ang kayamanan ay darating lamang doon sa mga taong marunong gumastos sa tamang panahon at sa tamang lugar, marunong gumamit ng mga inuutang, at bumuo ng isang systema para sa regular na pag-iimpok. Hanggang matututunan mo kung paano mag-kontrol sa paggastos, hindi na mahalaga ang galing mo sa paggawa ng pera, dahil ito ay dadaan lamang sa iyong mga kamay na hindi mo na mamalayan.

Ullessis Ahmad Yusuf Abaya, Sr

Tuesday, May 5, 2009

Kahirapan na Pangkalahatan


Sa isang news report mula sa Marketwire, ang kasalukuyang pang-ekonomiyang krisis ay sistematiko at pang-madla. Sa buong mundo, lumulubog ang pagiging optimismo ng mga mamimili, at walang rehiyong hindi tinatablan, kahit na ang umuusbong na Pamilihan – na dati ay malakas na tagapag-alaga ng pandaigdigang kompiyansa ng mga mamimili - ay pinapakita rin ang isang matarik na panghihina ng kanilang pagiging optimismo. Ang usapin ay nakasentro sa bansang Tsina, kung saan nakarehistro ang 42% na pagbagsak ng pangkalahatang optimismo mula sa nakaraang taon. Bilang tugon sa krisis, ang karamihan ng mga mamimili sa buong mundo ay gumawa ng mga pagbabawas mula sa kani-kanilang mga pam-pamilyang badyet.

Dahil ang ilang mga pulitiko ay hindi maintindihan ang katotohanan na ang ating mundo ay naging isa ng buo, sinasabi nila na "ang krisis ay sa ibang lugar lamang, wala dito sa atin." Ngunit sa katunayan, ang mundo ngayon ay isa nang sistemang magkakaugnay-ugnay. Dahil dito, sa kabila ng antas ng pag-unlad ng anumang bansa (pang-ekonomiya, pang-industriya, atbp.), kahit anong lumilitaw sa alin mang bahagi ng mundo ngayon ay umalingawngaw sa lahat ng dako. Bilang karagdagan, hindi natin masabi kung gaano kalakas itong mangyayari sa iba't-ibang lugar, dahil hindi natin alam ang tunay na istraktura ng bawat bansa sa pangkalahatang sistema.

Ang kahirapan ay nagsimula sa isang bagay na pangmadla o napagkaisahang dahilan para sa ating lahat – ang PERA. Gayunman, malapit na nating matuklasan na tayo ay lubos na umaasa sa isa’t isa sa lahat ng bagay! Isang payo lamang para sa lahat, mula sa pamahalaan hanggang sa mga karaniwang mamamayan: huwag gawin ang anumang laban sa iba; bawasan ang masyadong pagpapahalaga sa sarili; magbigayan, at tumulong sa iba. Kahit papano, ang mga kilos na ito ay pang-kontra sa kahirapan. (UAYA)

Monday, May 4, 2009

Bakit Mayroong Kahirapan?


Ayon sa isang online report ng Journal.com, nakakatakot ang prediksiyon ng International Labor Organization (ILO). Aabot daw sa 113 milyon ang mawawalan ng trabaho sa Asya sa taong ito at kabilang sa grabeng maaapektuhan ay ang Pilipinas. Ayon sa ILO, ito ay mahigit sa 22.3 milyon noong 2008 na bunga ng tinatawag na global economic crisis na dikuno’y patuloy na lulubha ngayon taong ito at aabot hanggang sa 2010. Bunga ng umiiral na problema, ang mga bansang tulad ng Malaysia, Thailand at South Korea ay huminto na sa pagbibigay ng working permit sa mga dayuhang manggagawa tulad ng mga Pinoy. Bakit nga naman aagawan ng hanapbuhay ang kanilang sariling mamamayan? Maging ang mayayaman na bansa tulad ng Estados Unidos, Middle East at iba pang bansa sa Europa ay nagsimula na ring maghigpit sa pagpasok ng mga dayuhang manggagawa. Ang ibig sabihin nito, mabilis na kumikipot ang mundo ng mga manggagawang dayuhan kabilang na rito ang sandamakmak na OFWs. Gaya ng alam ng lahat at maging ng buong mundo, ang OFWs ang siyang pangunahing export ng ‘Pinas kaya napapakilos pa ang operasyon ng gobyerno. Bakit umaabot pa tayo sa ganito? Bakit karamihan sa atin ay kailangan pang dumaranas ng kahirapan? Ang hirap at pasakit ba ay kakambal na sa ating buhay?

Ang lahat ng bagay na umiiral dito sa mundo, lalo na ang mga negatibong mga bagay, ay kinakailangan hanggang maituwid natin ang ating mga sarili. Ang isang tao ay uusad lamang ng pasulong kapag siya ay nakaramdam ng pangangailangang iwanan ang kanyang kasalukuyang kalagayan, dahil masama ang kanyang naramdaman dito. Ang kahirapan ay nagbibigay sa atin ng pagkakataong matoto upang maging bihasa sa iba’t-ibang antas ng ating pamumuhay at gumawa ng mga hakbang upang hindi na muli danasin pa ang mga di kanais-nais. Sinasanay nito ang ating mga sarili upang makita ang mga layuning nasa hinaharap ng mas maaga, at ang magiging bunga nito. Ang sama-samang paghihirap ay maaaring magbubunga ng sama-samang paghahanap ng solusyon at magbibigay daan upang tayo ay magkakaisa. Sa kasong ito, ang isang tao ay uusad papunta sa kanyang mga layunin at nanaisin niya ang mga ito ng taos-puso, at gumagalaw siya ng pasulong, sa halip na hayaang ang kahirapan ang magtulak sa kanya papunta dito. Samakatuwid ang kahirapan ay mayroong kadahilanan. Sisiguradohin lang natin na ang paghihirap at ang aral nito ay lubos na naunawaan upang tuluyan nang maiwasan ang paghihirap muli. (UAYA)

Sunday, May 3, 2009

Pagkakaroon ng Layunin sa Buhay ay Mabuti


Sa isang pag-aaral sa bansang Hapon kamakailan, ay nalaman na ang mga taong mayroong mga dahilan upang mabuhay ay mas mababa ang panganib ng kamatayan kaysa sa mga taong wala. Sabi ng mga nananaliksik, na sa paghahanap ng layunin sa buhay ay maaaring maiwasan ng isang tao ang panganib laban sa atakeng serebral o stroke dahil lang sa stress. Ang tanging bagay na hindi pa nila nalaman ay ang dahilan ng pagkakaiba-iba nga mga layunin.

Kung ganon, hindi mo kailangang maging isang siyentipiko upang mapagtanto na ang isang layunin na "kumikinang" para sa iyo mula sa malayo ay gaganap o magbibigay at papanumbalikin ang dati mong sigla. Ngunit ang hamon ay upang mahanap ang isang layuning tunay na mapanatili ang nasabing interes habang buhay. Sa katunayan, ito ay halos imposible, na mahanap ang isang pang-matagalang layunin dito sa mundo.Ito ay dahil sa ang lahat ng ating mga layunin ay unti-unting nawawalan ng halaga paglipas ng panahon at dahil sa iba't-ibang mga karanasan sa buhay habang tayo ay tumatanda, at sa pagbabago ng ating mga kagustuhan. O di kaya’y nakuha na natin ang ating mga layunin, at pagkatapos ay wala na tayong inaasam pa hinggil dito.

Subalit mayroong isang layunin na hindi kailanman kumukupas sa sandaling makuha natin ito, at maaaring tatagal habang buhay: ang mga espirituwal na layunin. Ang halaga nito, at ang ating pagnanais para sa mga ito, ay nadadagdagan kasabay sa paglipas ng panahon. Bakit? Dahil sa likas na katangian ng mga espirituwal na mga layunin, na kapag nakuha na natin, matutuklasan natin na ito ay tunay na mas higit pa kaysa sa ating inaakala, at agad-agad nating makita ang mga sumusunod, mas higit pa na antas ng kabanalan na maaaring makamtan natin. Dahil dito, ang pagkamit ng ganitong mga layunin ay walang hanggan, tulad ng layunin mismo, at hindi ito kailanman naglalagay ng hangganan sa ating pagnanais na makamtan ang mga ito.

Kaya ano ba talaga ang espirituwal na mga layunin? Ito ay ang pagsusumikap na makilala at maunawaan ang puwersa ng Kalikasan na namamahala sa buong sansinukob (kasama tayo) at nagtatakda sa galaw ng lahat ng bagay. Sa pamamagitan ng pagtamo nito, malalaman natin ang isang buhay na hindi saklaw ng panahon o espasyo, at lampas sa ating mga sentido, pangkatawang pag-iral.[KabNgayon,UAYA]

Friday, May 1, 2009

EDITORYAL, Pag-usapan Po Natin! May 2009 Issue




Bakit mayroong kahirapan sa mundo at maaari ba nating maiwasan ito? Sa loob ng maraming henerasyon, ang mga tao ay sinubukang mahanap ang mga kasagutan sa mga katanungan. At dahil sila ay patuloy pa rin sa paghahanap hanggang ngayon ay isang patunay na hindi pa rin natagpuan ang kasiya-siyang sagot. Sinubukan ng bawat isa na hanapin ang kanyang sariling mga kasagutan mula sa iba’t-ibang mapagkunan ng impormasyon. Lahat sa atin ay nagkakaroon ng sariling mga pananaw sa mundo, gamit ang mga inaakalang pinaka-maaasahang diskarte bilang gabay. Ang tanong tungkol sa kahulugan ng buhay ay nadagdagan pa ng isang mas global na kawalang-kasiyahan sa pang-araw-araw na paghihirap: Para saan ang ating paghihirap? Sa tanong na ito, hindi tayo naging kontento, kahit na ang mga pang-araw-araw nating mga ninanais ay nagbigay sa atin ng pansamantalang kasiyahan. Kahit na makuha man natin ang ating mga layunin, di magtagal, mararamdaman nating muli ang sama ng loob. Kung tingnan natin ang mga nakaraan, makikita natin ang haba ng panahong ginugugol natin upang makuha ang mga bagay na ninanais, ngunit ang balik ay ang pagtanggap ng katiting lamang na kasiyahan. Sadya bang ganito ang buhay? May paraan ba upang maunawaan natin ang tunay na layunin ng ating paghihinagpis? Ito ang mga bagay na pag-usapan natin ngayon. Kasama na rito ang pagtuklas ng isang uri ng layunin na kayang magbigay ng bawat isa sa atin ng liwanag upang magsilbing gabay sa ating paglalakbay sa mundong ating ginagalawan.

Muli po naming pinapasalamatan kayong lahat na mga naging bahagi ng KPCCenter. Tatlong taon na po ang dumaan mula noong opisyal na binuksan ang mga pintoan ng ating center para sa kapakanan ng mga Filipino na nandito sa bansang Kuwait. Tunay na sa ating pagkakaisa, maraming mga mabubuti at magagandang pangyayari ang ating napagkasunduan. At muli, sa mga bagay na tayo ay magkakaiba, Pag-usapan po natin kung papaano natin ito mapagkakasunduan.

Ullessis Ahmad Yusuf Abaya, Sr.

Saturday, April 4, 2009

Tungkol sa Tawhid


Sinabi ng Allah(swt), “Nilikha Ko Lamang ang jinn at ang sangkatauhan upang Ako’y paglingkuran… at sinugo Namin sa lahat ng tao ang isang propeta upang ihatid sa kanila na dapat silang maglingkod kay Allah at umiwas sa al taghut… Ipinag-utos ng inyong Panginoon na Siya lamang ang paglingkuran ninyo, at dapat kayong maging mabait sa inyong mga magulang… Paglingkuran ang Allah at huwag mag-uugnay ng sinuman sa Kanya… Halina, sasabihin ko sa inyo ang ipinagbabawal ng inyong Panginoon; dili iba’t huwag kayong mag-uugnay ng sinuman sa Kanya.”

Sinabi ni Ibn Mas’ud: “Sinumang nagnanais tumiyak sa kalooban ng Propetang Muhammad(saw), isang kaloobang kinintalan ng tatak ng Propeta, hayaang basahin niya ang mga sumusunod na salita ng Allah: ‘Halina, sasabihin ko sa inyo ang ipinagbabawal ng inyong Panginoon, dili iba’t huwag kayong mag-uugnay ng sinuman sa kanya… At iyon ang Aking tuwid na landas.”

Isinalaysay ni Mu’ah Ibn Jabal: “Nasa likuran ako ng Propeta(saw) nang sabihin niya sa akin: “O Mu’adh! Alam mo ba kung ano ang nararapat kay Allah mula sa Kanyang mga nilikha, at ano ang nararapat sa kanila?’ Sumagot ako: ‘Ang Allah at ang Kanyang Propeta ang higit na nakaaalam.’ Nagpatuloy ang Propeta: ‘Ang nararapat sa Allah mula sa Kanyang mga nilikha ay huwag mag-ugnay ng sinuman sa Kanya. Ang nararapat sa kanila ay huwag parusahan ang sinumang tao na hindi nag-uugnay ng sinuman sa Kanya.’ Sinabi ko: ‘O Propeta ng Allah, kung gayon ba ay maihahatid ko ang magandang balita sa mga tao?’ Sumagot siya: ‘Hindi! Huwag mo silang pangakuan kundi’y aasa sila sa pangako at magkukulang ng kanilang paglilingkod sa Kanya’.”

Ang sinundang hadith ay iniulat sa dalawang Sahih.

Sunday, March 1, 2009

EDITORYAL, Pag-usapan Po Natin! Mar-Apr 2009 Issue




Ang kalagayan ng mga kababaihan sa lipunan ay hindi isang bagong isyu. Ang kasalukuyang kalagayan na naabut nila ay hindi nakamit dahil sa kagandahang-loob ng mga kalalakihan o dahil sa likas na progreso. Sa halip, ito ay sa pamamagitan ng isang mahabang pagpupumiglas at pagpapakasakit ng mga kababaihan lalo na kapag kailangan ng lipunan ang kanyang mga kontribusyon sa trabaho, tulad halibawa noong panahon ng dalawang pandaigdigang digmaan, at nang dumami ang mga pagbabagong pang-teknolohiko.

Bilang kapilas ng lalaki, ang babae ay mahalaga at mayroong pantay na kakayahang makibahagi sa mga pananagutan ng buhay. Taglay ng isang babae ang kadalubhasaang magtimpi at magpahiwatig gayundin ang kapangahasan sa paghahanap ng naiibang talinghaga. Kung ang tadyang ay upang protektahan ang mahahalagang bahagi ng katawan ng lalaki tulad ng kanyang puso, ang babae ay hinugot mula rito. Kaya’t alam na alam ng babae ang kiliti ng isang lalaki, ang lumaya ang puso kahit nakarehas sa tadyang.

Bilang pagkilala ng Women's History Month at ang International Women's Day, ang ating kasalukuyang isyu ay para sa pagpupugay sa ating mga kababaihan. Kung ikaw ay isang babae, maaaring ito ay panahon upang kumuha ng pagkakataon para suriin ang iyong sarili kung nasaang antas ng pamumuhay ang kinatatayuan mo ngayon, at kung ano ang iyong mga karapatan bilang isang babae.

“Bakit ang babae sa tagal ng pagsasama, Tila mas mahirap maintindihan, Parang isang problema na, Sa una kayang-kaya ngunit, Humihirap na sa tagalan.”(kanta ng Sandwich)

Ang mga babae ay nirerespeto, minamahal, inaalagaan. Hindi ito PSP na bubunutin mo lang sa bulsa pag gusto mo nang paglaruan. Hindi ito IPOD na pakikinggan mo lang pag wala ka ng libangan. At hindi ito RED HORSE na pwede mong laklakin hanggang madaling araw. Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi yan gadyet para kolektahin at paglaruan.(Bob Ong)

Sunday, February 1, 2009

EDITORYAL, Pag-usapan Po Natin! Feb 2009 Issue




Sa panahong ito ng globalisasyon, marami na ang tinanggal sa trabaho at mga pabrikang nagsara. Hindi ito bunga ng katigasan ng ulo ng mga manggagawa. Malinaw na dulot ito ng malupit na pandaigdigang kompetisyon. Katunayan pinalalala pa ito ng kawalan ng magandang solusyon ng gobyerno na proteksyunan ang lokal na kabuhayan laban sa dayuhang kompetisyon. Paghihirap sa buong pamilya ang dulot ng pagkatanggal sa trabaho. Dahil dito, dumarami ang krimen na umuusbong mula sa kahirapan.

Kailan lang naidagdag sa ating vocabulary ang salitang globalisasyon, at wala pang malinaw na konsepto kung ano ito. Akala natin na ang magkabahaging impormasyon, problema, at responsibilidad ay kapaki-pakinabang sa ating lahat. Ngunit sa kasalukuyan krisis pinansyal malinaw na ang globalisasyon ay nagdala lamang sa atin ng mas maraming problema. Bakit ito nangyayari? Dahil kaya sa ating ginagamit ang isang sistema na paurong? Sa halip na matotong gumawa ng tulong-tulong, tayo ay naghahanap ng mga paraan upang sumakop at mang-api sa isa't isa? Ang ganitong diskarte ay nagdala sa atin sa isang nakakalungkot na sitwasyon, at ngayon ang mga lider ng ating mundo ay nagmamadali upang manauli ang kalagayan sa pamamagitan ng pagtatag ng mga polisiyang "Kamotin mo ako at kakamutin rin kita." Gayunman, kahit na ating sundan ang ganitong modelong pang-negosyo, kahit na ihinto natin ang pagsisinungaling sa bawat isa at simulan ang paggawa ng "matapat na negosyo," ito ay hindi pa rin makakatulong. Ang globalisasyon ay nagdala sa atin sa isang punto kung saan tayo ay tulad ng mga bahagi sa ating katawan. Tayo ay naging napaka-konektado na sa isa’t isa kung saan wala ng saysay ang paggawa ng matapat na negosyo at ang paglikha ng makatarungang global na pamahalaan, kung ang hangarin ay para lamang mailigtas ang sariling kapakanan. Gayon pa man, ito ang ating makikita sa mga lider sa ating mundo; ang pag-uusap upang likhain ang isang pinagsamang sistema ng pandaigdigang regulasyon. Sa kasamaang palad, hindi nito malutas ang krisis pang-ekonomiya sa kasalukuyan dahil ang tunay na problema ay ang ating paglabag sa batas ng kalikasan. Ang ating sistema ay hindi lamang dapat nakabatay sa makatarungang mga patakaran, kasunduan at katapatan; dapat din gumana ang mga ito tulad ng mga elemento ng isang sistema na kung saan ating isaalang-alang ang iba na mahalaga tulad ng pagsaalang-alang sa ating mga sarili. Kung tayo ay patuloy sa paggawa ng ating sistema batay sa mga batas na makasarili - kahit na yaong mga taong bukas at matapat, kapag sundin ang patakarang, "Ang inyo ay inyo at ang amin ay amin," ang sistema ay hindi gumagana at tayo ay haharap sa isang mas malaki pang gulo. Dapat nating unawain na ang lahat ay sama-sama, at upang manatili, ang tanging paraan lamang ay matuto ang lahat na alagaan ang kapakanan ng bawat isa. Hangga't hindi pa natin simulang kumilos sa ganitong paraan, ang krisis ay hindi matatapos at ang ating sama-samang paghihirap ay magpapatuloy.

Ullessis Ahmad Yusuf Abaya, Sr.

Thursday, January 1, 2009

EDITORYAL, Pag-usapan Po Natin! Jan 2009 Issue



Ang Kaligayahan ay hinahangad nating lahat at pinagsisikapang makamit. Anuman ang ating lahi, edad, kasarian, katayuan sa lipunan, karunungan, relihiyon o pinag-aralan, nais nating lahat na makaranas at magtamasa ng Kaligayahan. Ang mundong ating ginagalawan ay palaging nagtatangkang magbigay sa atin ng kahit na anong bagay na maaaring magdulot sa atin ng Kaligayahan, ngunit aminin na natin, hindi talaga tayo maligaya; mayroong kulang!
Isang online survey ng 28,153 katao sa higit 51 bansa, napag-alaman na habang ang buong mundo ay nangangamba tungkol sa pandaigdigang krisis pinansyal, maraming mga taong pinaalalahanan ang kanilang sarili na ang pera ay hindi maaaring makakabili ng kaligayahan.
Napag-alaman ng Nielsen Happiness Study na sa pandaigdigang kabuuhan, ang mga kababaihan ay higit na masaya kay sa mga lalaki sa 48 ng 51 na mga bansang sinurvey. "Dahil ang mga ito ay higit na masaya sa mga hindi-pang-ekonomiyang dahilan, ang kaligayahan ng mga kababaehan ay mas matibay kahit sa panahon ng krisis," sabi ni Bruce Paul ng Nielsen. Sinabi pa na ... ang mga kalalakihan ay higit na masaya sa pera, habang ang mga kababaihan ay makahanap ng mas malaking kagalakan sa pakikipag-kaibigan at mga relasyon sa kanilang mga anak, mga kasama sa trabaho at mga amo... ang mga kababaehan ay mas optimistic tungkol sa hinaharap ... mas higit na kontento sa kanilang buhay-sekswal.
Ang katotohanang mayroon tayong iisang hangarin na magkamit at magtamasa ng Kaligayahan ay nagsasabi sa atin na ang kaligayahang iyon ay dapat maging bahagi ng ating pang-araw-araw na pamumuhay at ang bawat isa sa atin ay may katuwiran at karapatan sa pagsasaliksik o paghahanap ng Kaligayahan.
Kung pare-pareho nating "mahawahan" (pasiglahin) ang bawat isa sa pamamagitan ng kaligayahan, ang lahat ay magiging 100% masaya. Sabihin mo mang, "Pero hindi ko nararamdaman ang anumang kaligayahan!" Ito ay hindi rason sapagkat kahit na ang iyong ngiti ay pakitang-tao lamang, para sa iba ito ay tunay, dahilan upang maramdaman niya ang higit na kaligayahan, mas higit na kasayahan - at ito ay babalik sa iyo sa pamamagitan ng ibang tao.

Ullessis Ahamad Yusuf Abaya